MENU

Tulong PUSO beneficiaries sa CAR, Region 1, 10, at 12 binisita at ginawaran ng tulong-pinansiyal ng bagong OWWA- NRCO Director

 Tulong_Puso.jpg

Pinangunahan ng bagong talagang Director IV ng Overseas Workers’ Welfare Administration – National Reintegration Center for OFWs (OWWA-NRCO) na si Director Gerald “Dindi” Tan ang personal na pamimigay ng livelihood assistance, monitoring at mentoring sessions sa ilang mga lugar sa Cordillera Administrative Region at Region 1 sa ilalim ng “Tulong PUSO” program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng OWWA-NRCO.

Ang NRCO ay isang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng pamamahala ng DOLE at OWWA na binuo upang magtaguyod at magpatupad ng iba’t ibang serbisyo at programa para sa pagbabalik-bansa ng mga OFWs.

Isa sa mga pangunahing programa ng mga nasabing ahensya para sa mga umuuwing OFWs na nais nang manatili at magkaroon ng pagkakakitaan dito sa Pilipinas ay ang Tulong Pangkabuhayan Para sa Pag-Unlad ng Samahang OFWs o Tulong PUSO.

Ang Tulong PUSO ay nagbibigay ng one-time livelihood financial grant bilang pagsuporta sa mungkahing business plan para sa pagsisimula o pagtatayo, maging sa pagpapalawak at pagbuhay sa negosyo ng mga OFW Groups sa bansa na kinikilala ng DOLE, Cooperative Development Authority at Securities and Exchange Commission.

Ang nasabing programa ay sumusuporta sa mga Micro-sized groups na mayroong lima hanggang 31 o higit pang miyembro. Ang mga napiling benepisyaryo nito ay maaaring makatanggap ng financial grant na nagkakahalaga sa PHP 150,000 hanggang PHP 1, 000,000.

Sinimulan ni Dir. Tan ang kaniyang personal na pagbisita sa mga benepisyaryo ng nasabing programa sa Bangued, Abra noong Nobyembre 18 at sa Baguio City noong Nobyembre 19.

Matapos lamang ang ilang araw, sunod naman niyang binisita ang mga benepisyaro ng Tulong PUSO program sa lalawigan ng Pangasinan, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Sinundan naman din ito ng kanyang pagbisita sa Region 10 at ilan sa mga ito ay ang Camiguin, at Bukidnon ganoon din ang Region 13, ito ay ang South Cotabato at Saranggani noong  Disyemebre 1 at Disyembre 5.

Ikinatuwa nitong personal na makita at masaksihan ang mga kumikitang kabuhayan ng mga OFW Family Association bilang patunay na malaki ang naitutulong ng programa sa kabuhayan ng mga miyembro ng bawat organisasyon. 

#GDG#